POLITICAL DYNASTY
Ang political dynasty ang napakalaking usapan ngayon sa ating bansa, dahil sa pami-pamilya ang sumasabak sa politika, mula sa lolo, tatay, nanay, tito, tita, ate, kuya ang naiinvolve sa politika. Madalas itong nangyayare sa mga probinsya na angkan-angkan ang naglalaban para sas mga gustong posisyon sa politika.
Nakakatawang isipin na may mga tao na iniisip na ang politika ay isang negosyo na pwedeng ipasa sa mga anak at mga apo. Subalit ang hirap isipin ng mga nangyayare sa bawat lugar na iisang pamilya lang ang nagpapatakbo at sariling kagustuhan at pangangailangan ang inuuna kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Political dynasty ay di natin masasabi na pinagmumulan ng kurapsyon pero isa ito sa pinakamalaking dahilan kung bakit may kurapsyon, bakit? dahil ang kapakanan lang naman ng pamilya o angkan ang nauuna para sa kanila, kasikatan, karangyaan ng buhay. Kaya dapat maisabatas na ipagbawal ang ganitong kalakaran.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento