FREEDOM OF INFORMATION
Ang panukalang Freedom of Information Act (FOI) ay naglalayong isabatas ang pagbubukas sa mga mamamayan ng mga pampublikong dokumento. Ibinabalangkas din ng panukalang batas na ito ang mga eksepsiyon sa pagbubukas ng mga nasabing dokumento at mga hakbang para maakses ang mga pampublikong dokumento. makakatulong ito sa bawat isang mamamayan upang magkaroon sila ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating lipunan at kung saan napupunta ang bawat buwis na kinukuha sa atin.
At ng sa gayo'y hindi lang ang mga pulitiko at mambabatas ang nakakaalam kung saan napupunta ang bawat sentimo na pinaghihirapan ng bawat mamamayan, ng sa ganoon ay maging tayo na mga ordinaryong tao ay magkaroon ng bukas na pagsilip sa mga nagiging transaksyon ng bawat namumuno sa atin at hindi tayo naiisahan at nagugulangan ng mga opisyal na mga corrupt.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento