Miyerkules, Oktubre 12, 2016

HUMAN RIGHTS


Ang mga karapatang pantao o human rights  ay tumutukoy sa payak na mga karapatan at mga kalayaan  nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. Ito ay prumoprotekta sa bawat tao sa mga maaaring pang aabuso o pananamantala ng kapwa tao. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatan sa paghahanap buhay, at karapatan sa edukasyon. Ngunit kahit mayroon ng batas na ganito marami pa din sa buong mundo ang di sumusunod sa batas na ito, marami pa ding tao ang patuloy na nagdudurusa dahil sa kapwa niya tao.


Marami pa din tao na di nakakaramdam ng karapatang pantao, napakarami pa din mga tao na nangaabuso sa kapwa nila. Kailangan bilang tao malaman natin ito dahil ang pagwawalang bahala at paglapastangan sa karapatan ng tao ay nagbubunga ng gawang hindi makatao n na humahamak sa budhi ng sangkatauhan at ang pagdatal sa isang daigdig na nagtatamasa ng karapatan sa pagsasalita at sa pangamba at pagdadaralita.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento