Miyerkules, Oktubre 12, 2016

Sustainable Development Goals and Millenium Development Goals
Nung napag-aralan namin itong SDG at MDG ay wala akong ideya kung ano ito, kung para saan ito. Dahil unang encounter ko sa salitang ito kaya talagang di ko siya maintindihan. Pero nung onti-unti ko ng nalaman ang totoong ibig sabihin nito at ang kanilang layunin. Malaki pala ang maitutulong sa atin at sa iba pang mga bansa dahil ang kanilang layunin ay magkaroon ng maayos at ng masaganang buhay ang mga tao. Nakapaloob o nasasaad din na magkaroon ng maayos na edukasyon ang bawat kabataan sa buong mundo.At pati rin ang poverty ay tinatalakay nila na magkaroon ng mundong walang kahit na isa ang nagugutom. Kung maipapatupad ang lahat ng ito marahil ay magiging maunlad ang ating bansa at magkakaroon ng maayos na buhay ang bawat isa.
GLOBAL WARMING


Global warming o paginit ng mundo, kahit hindi na siguro matutunan sa eskwelahan malalaman na natin dahil lumabas ka lang ng bahay niyo ramdam mo na yung init, yung sobrang init tapos mamaya-maya biglang bubuhos ang napakalakas na ulan, pagulan ng yelo. Pero ang mas masakit isipin, alam at ramdam na natin ang ganitong sitwasyon hirap pa din ang bawat isa na humakbang para maagapan ito. Bilang estudyante na napagaaralan ang mga bagay na ito alam ko na palubha na ng palubha ang paginit ng ating mundo. Bawat bansa ito na ang usapan, 
diskusyon ng bawat mambabatas sa bawat bansa dahil ramdam na ramdam na ang pagkasira ating planeta. 
Ano nga bang mas mahirap ?
Gumawa ng paraan para hindi tuluyang masira ang mundo o ang tuluyan na masira ang mundo na kaisa-isang planeta na nagbibigay ng lahat sa atin?
POLITICAL DYNASTY


Ang political dynasty ang napakalaking usapan ngayon sa ating bansa, dahil sa pami-pamilya ang sumasabak sa politika, mula sa lolo, tatay, nanay, tito, tita, ate, kuya ang naiinvolve sa politika. Madalas itong nangyayare sa mga probinsya na angkan-angkan ang naglalaban para sas mga gustong posisyon sa politika.

Nakakatawang isipin na may mga tao na iniisip na ang politika ay isang negosyo na pwedeng ipasa sa mga anak at mga apo. Subalit ang hirap isipin ng mga nangyayare sa bawat lugar na iisang pamilya lang ang nagpapatakbo at sariling kagustuhan at pangangailangan ang inuuna kaysa sa kapakanan ng mamamayan. Political dynasty ay di natin masasabi na pinagmumulan ng kurapsyon pero isa ito sa pinakamalaking dahilan kung bakit may kurapsyon, bakit? dahil ang kapakanan lang naman ng pamilya o angkan ang nauuna para sa kanila, kasikatan, karangyaan ng buhay. Kaya dapat maisabatas na ipagbawal ang ganitong kalakaran.
URBANIZATION


Ang urbanisasyon ay nakakatulong sa ating ekonomiya, dahil sa pagpapatayo ng mga gusali at iba pang imprastraktura nagkakaroon ng trabaho ang maraming tao, at sa mga gusali naman na maipapatayo ay magkakaroon ng mga empleyado. Ang layunin ng urbanization ay palaguin ang ekonomiya ng bawat lugar at ng buong bansa, magbigyan ng trabaho ang maraming mga tao.

Ngunit ang lingid sa kaalaman nating lahat, malaki ang nagiging kapalit ng pagunlad na ito. Sa bawat gusali na itinatayo sa mga urbanong lugar ilang puno ang pinuputol, ilang hektarya ng mga bundok ang pinapatag. Ang urbanization ay nakakasira ng mga kabundukan, ng ating kapaligiran. Maraming mga hayop ang nawawalan ng tirahan. Isa rin ito sa dahilan ng patuloy na paginit ng buong mundo.
FREEDOM OF INFORMATION


Ang panukalang Freedom of Information Act (FOI) ay naglalayong isabatas ang pagbubukas sa mga mamamayan ng mga pampublikong dokumento. Ibinabalangkas din ng panukalang batas na ito ang mga eksepsiyon sa pagbubukas ng mga nasabing dokumento at mga hakbang para maakses ang mga pampublikong dokumento. makakatulong ito sa bawat isang mamamayan upang magkaroon sila ng kaalaman sa mga nangyayari sa ating lipunan at kung saan napupunta ang bawat buwis na kinukuha sa atin.

At ng sa gayo'y hindi lang ang mga pulitiko at mambabatas ang nakakaalam kung saan napupunta ang bawat sentimo na pinaghihirapan ng bawat mamamayan, ng sa ganoon ay maging tayo na mga ordinaryong tao ay magkaroon ng bukas na pagsilip sa mga nagiging transaksyon ng bawat namumuno sa atin at hindi tayo naiisahan at nagugulangan ng mga opisyal na mga corrupt.



HUMAN RIGHTS


Ang mga karapatang pantao o human rights  ay tumutukoy sa payak na mga karapatan at mga kalayaan  nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao. Ito ay prumoprotekta sa bawat tao sa mga maaaring pang aabuso o pananamantala ng kapwa tao. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, na karaniwang iniisip bilang mga karapatang pantao, ang mga karapatang sibil at pampulitika, tulad ng karapatang mamuhay at kalayaan, kalayaan sa pagsasalita, at ang pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan, karapatan sa pagkain, karapatan sa paghahanap buhay, at karapatan sa edukasyon. Ngunit kahit mayroon ng batas na ganito marami pa din sa buong mundo ang di sumusunod sa batas na ito, marami pa ding tao ang patuloy na nagdudurusa dahil sa kapwa niya tao.


Marami pa din tao na di nakakaramdam ng karapatang pantao, napakarami pa din mga tao na nangaabuso sa kapwa nila. Kailangan bilang tao malaman natin ito dahil ang pagwawalang bahala at paglapastangan sa karapatan ng tao ay nagbubunga ng gawang hindi makatao n na humahamak sa budhi ng sangkatauhan at ang pagdatal sa isang daigdig na nagtatamasa ng karapatan sa pagsasalita at sa pangamba at pagdadaralita.


Ecotourism ay isang anyo ng turismo na kinasasangkutan ng pagbisita sa babasagin, malinis, at medyo hindi nababahala natural na mga lugar, inilaan bilang isang mababang-epekto at madalas maliit na sukat kahalili sa standard commercial (masa) turismo.

Ecotourism ay tumutuon sa mga socially responsable sa paglalakbay, personal na pag-unlad, at pagpapanatili ng kapaligiran. Ecotourism ay karaniwang nagsasangkot ng paglalakbay sa destinasyon kung saan flora, palahayupan, at kultural na pamana ay ang mga pangunahing atraksyon. Ecotourism ay nilayon upang mag-alok turista pananaw sa mga epekto ng mga tao sa kapaligiran, at upang pagyamanin ang isang malawak na pagpapahalaga ng ating likas na habitats. Responsable Ecotourism kasamang mga programa na i-minimize ang mga negatibong aspeto ng maginoo turismo sa kapaligiran at mapahusay ang kultural na integridad ng mga lokal na mga tao. Samakatuwid, bilang karagdagan sa pagsusuri ng kapaligiran at kultural na mga kadahilanan, ang isang mahalagang bahagi ng Ecotourism ay ang pag-promote ng recycling, enerhiya kahusayan, tubig konserbasyon, at paglikha ng mga pang-ekonomiyang mga pagkakataon para sa mga lokal na komunidad. Layunin din nito na maprotektahan ang yaman ng isang bansa upang hindi ito maabuso.